Tuesday, December 10, 2019

Maja Salvador Sinugod Sa Ospital Hindi Kinaya ang Sakit | Maja Salvador Rushed to the Hospital

Sinugod sa ospital si Maja Salvador habang nasa taping ng kanilang teleserye. Hindi na kinaya ni maja ang papanakit ng kanyang tyan kaya kinailangan na syang dalhin sa Emergency Room para ma check up agad ng mga doctor



Ayon pa sa actress, sobrang sakit ng kanyang tyan dahil sa severe acid reflux. 
Ang acid reflux ay ang pag-akyat ng acid na nasa tiyan papuntang esophagus na nagdudulot ng mainit na pakiramdam sa dibdib at madalas ay may pananakit ng tyan.

Dagdag pa ng actress, malamang ay bumigay na ang katawan nya dahil sa sobrang busy sa trabaho. dahil dito hindi rin naka attend si maja ng Christmas Special.


Nag post naman ang boyfriend ni maja na si Rambo Ortega ng isang Name tag ni  maja na may caption na My sick baby. 

sa ngayon ok na ang pakiramdam ni maja at kailangan lang muna magpahinga ng ilang araw bago bumalik sa trabaho. Diet din muna si maja at iwas sa mga pagkain na pwedeng makasama sa kanya.


SHARE IT TO YOUR FRIENDS and START CONVESATION BELOW!

0 comments:

Post a Comment